P3.7-M MARIJUANA SINUNOG

BENGUET- TINATAYANG aabot sa P3.782 milyong halaga ng marijuana plants at pinatuyong dahon ang sinunog ng mga operatiba ng Benguet PNP at iba pang drug enforcement team sa kagubatan ng Sitio Batangan, Brgy. Tacadang sa bayan ng Kibungan sa lalawigang ito kamakalawa.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Kibungan Municipal Police Station, Benguet PDEU/PIU, PDEA RSET at PDEA Benguet/Baguio kaugnay sa marijuana plantation sa nasabing barangay kaya inilatag ang pagsalakay.

Dito na natuklasan ng mga operatiba ang dalawang plantation na may 910 fully grown marijuana plants at 30 kilong pinatuyong dahon ng marijuana at stalks sa communal forest na may kabuuang sukat na 170 sqm.

Pinagtulungang bunutin at sunugin ng mga operatiba ang mga tanim na marijuana plants saka sinunog habang wala naman nasakoteng marijuana cultivator na pinaniniwalaang nakatunog sa pagsalakay ng pulisya. MHAR BASCO