TINIYAK ng Kongreso na maaprubahan sa tamang oras ang P3.7 trilyong budget ng gobyerno sa susunod na taon.
Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, nagkaroon na sila ng prebicameral conference committee kung saan siniguro ng senado na maipapasa ang budget.
Sinabi rin ni Arroyo na malabong magkaroon ng re-enacted budget ang gobyerno.
Para naman kay Majority Leader Rolando Andaya Jr, mayroon pang sapat na oras ang mga mambabatas para maipasa kay Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang budget para sa approval nito.
Patuloy rin aniya ang kanilang ginagawang pag- aaral para masigurong naaayon sa batas ang mga nakapaloob sa naturang budget. DWIZ882
Comments are closed.