AABOT sa P3,733,668,419 ang ibinuhos ng Department of Budget and Management (DBM) para sa Performance-Based Bonus (PBB) para sa Fiscal Year (FY) 2021 ng 220,116 pulis.
Sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) ang PBB ng PNP personnel ay idineposito sa payroll ng kanilang mga tauhan.
Nagpasalamat naman si PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. sa DBM at ang pagtanggap ng PBB ay bilang pagkilala sa ginagampanan ng organisasyon.
“The PNP is thankful to the government for acknowledging the hard work and dedication of the police force in carrying out our assigned duties and responsibilities,” ani Acorda.
Tiniyak din ng PNP Chief na kanila pang pagbubutihin ang kanilang performance at malalim na commitment sa serbisyo publiko.
“We can only repay this recognition through improved performance and a deeper commitment to service,” ayon kay Acorda.
Samantala, mayroon tax deduction ang suweldo mga pulis na may ranggong major general hanggang general gayundin ang nasa salary grade 20 bilang pagtugon sa TRAIN Law ayon kay PBGen Rommel Francisco D Marbil, ang Director for Comptrollership.
“The funds have been processed by the Directorate for Comptrollership and PNP Finance Service and have been credited to the individual ATM payroll accounts of PNP personnel,” ayon kay Marbil. EUNICE CELARIO