KALINGA – REHAS na bakal ang binagsakan ng pitong lokal na turista na karamihan ay estudyante makaraang makumpiskahan ng P3,898,570 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa itinayong police checkpoint sa Banaue, Ifugao at Tabuk City, noong Linggo ng hapon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Jerick Villacorte Crisostomo, 36, painter, ng Brgy. Mata Extension, Tondo, Manila; Reniel Dela Cruz Espinosa, 23; Daniel Urbano Gavino Tejada, 22, kapwa nakatira sa Taguig City; alyas Titus, 20-anyos, ng Sta. Mesa, Manila; alyas Josh, 19; alyas Reynald, 19-anyos, kapwa nakatira sa San Jose Del Monte City, Bulacan at pawang high school student; Delfner Jay Navarrette Abancia, 24; Zamier Galo, 22, kapwa estudyante sa Malate Catholic School at naka-tira sa Adriatico St., Malate, Manila; at isa pang 17-anyos na binatilyong estudyante na nakatira sa Brgy. Maligaya, Fairview, Quezon, City..
Base sa police report, lumilitaw na sakay ng CODA bus ang pitong suspek patungo sa Cubao, Quezon City mula sa Sagada, Mt. Province nang parahin ng awtoridad sa itinayong police checkpoint sa Barnagya Viewpoint sa Banaue, Ifugao para sa inspeksiyon ng mga bagahe ng mga pasahero.
Lumantad sa mga bagahe ng pitong suspek ang 14 bricks ng marijuana at 4 pang bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,015,800.
Samantala, inaresto rin sina Navarrete at Galo makaraang makumpiskahan ng 15 bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P1,882,770 sa kani-kanilang bagahe makaraang sitahin sa itinayong police checkpoint sa Barangay Talaca, Agbannawag sa Tabuk City, Kalinga.
Sina Navarrete at Galo ay lulan ng Victory Liner Bus patungong Maynila mula sa Tabuk City nang masabat ng awtoridad. MHAR BASCO
Comments are closed.