MATAGUMPAY na naisagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang pinakamalaking ‘drug haul’ ngayong taon nang makakumpiska ng may P3.9 bilyong halaga ng shabu at mapatay ang apat na Chinese nationals sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Zambales at Bataan.
Nabatid na nakipagsanib-puwersa ang PDEA, bilang lead agency, sa PNP at BOC, sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service of the Intelligence Group (CIIS-IG), para sa pagsasagawa ng buy-bust at interdiction operations na nauwi sa isang engkwentro sa Noah’s Place sa Candelaria, Zambales at nagtapos sa Tipo Exit sa Brgy. Tipo-Hermosa, Bataan.
Ayon sa CIIS-IG ng BOC malaking puntos ang palaging koordinasyon at kooperasyon nila sa lahat law enforcement agencies particular na sa PDEA, PNP, NBI, AFP at PCG upang matiyak ang proteksiyon ng mga borders ng bansa.
Nagresulta ang mga naturang operasyon sa pagkakumpiska ng humigit-kumulang sa 580 kilo ng shabu na may estimated value na P3.944 bilyon, kabilang dito ang P3.4 bilyon para sa 500 kilo ng shabu na nakumpiska sa Zambales at P544 milyon para sa 80 kilo ng shabu na nasabat naman sa Bataan, at pagkamatay ng apat na Chinese nationals.
Ang engkwentro ay nauwi rin sa pagkakaaresto ng tatlong big-time drug-dealers na may Chinese descent.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang tagumpay ng operasyon ay bunga ng mahusay na koordinasyon sa PNP at BOC.
Samantala, ipinaliwanag rin ni Villanueva ang modus operandi ng naturang international drug syndicate. Aniya, ang mga ilegal na droga ay dinadala muna sa international waters bago pikapin ng mas maliliit na vessels gaya ng speed boat at saka ito ibibiyahe sa malapit na coastal waters kung saan naman ito pipikapin ng mga local illegal drugs distributor.
“Mahaba-haba itong ginawang natin pagsubaybay dahil umabot pa tayo hanggang Pangasinan dahil itong grupo na ‘to talagang mabigat iyong lakad,” ani Villanueva.
Pinuri rin naman ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang kooperasyon at sinabing, “This operation was a result of the whole-of-government approach in our campaign against illegal drugs.”
Nabatid na kabilang sa mga napatay na Chinese nationals ay nakilalang sina Gao Manzhu, 49; Hong Jianshe, 58; Eddie Tan, 60; at Xu Youhua, 50, na pawang mula sa Fujian, China.
Ani Eleazar, sila ay mga kilalang distributors ng ilegal na droga sa Luzon, partikular na sa Metro Manila, Central Luzon at Region 4.
Ang mga naaresto naman sa operasyon sa Tipo, Bataan ay nakilalang sina Qing Chang Zhou alyas Ricky Chou, 37; Cai Cai Bin alyas James/Joseph Chua, 49; at Longcai Chang, 45.
Bukod sa 80 kilo ng shabu, narekober rin sa engkwentro sa Bataan ang isang Toyota Land Cruiser, isang Mitsubishi Montero, at isang Android at isang analog phone.
167268 801557Youve produced various good points there. I did specific search terms around the matter and discovered mainly individuals will believe your web site 784666
119407 924002This design is steller! You most surely know how to keep a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (properly, almostHaHa!) Great job. I truly loved what you had to say, and far more than that, how you presented it. Too cool! 640523