CAMP CRAME – IPRINISINTA kahapon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang mahigit P3 bilyong halaga ng bagong kagamitan ng pulisya.
Ang mga bagong kagamitan ay dalawang single engine helicopter para sa Special Action Force (SAF) na nagkakahalaga ng P225 milyon bawat isa.
Kabilang din sa modernong gamit ang tatlong EOD remote-controlled robot units na nagkakahalaga ng halos P18 milyon bawat isa.
Mayroon ding karagdagang 35,000 samu’t saring assault rifles at pistols, mahigit 1,500,000 bala, at mahigit 20,000 ballistic vests, helmets at eye-wear ang PNP.
Sa mensahe sinabi ni Gamboa, ang bagong kagamitan ay malaking tulong para mapaangat pa ang operational readiness ng PNP sa kampanya kontra kriminalidad, terorismo at droga. REA SARMIENTO
Comments are closed.