P3-B KARGAMENTO WINASAK NG BOC

BUREAU OF CUSTOM

KINONDENA ng pribadong sektor ang Bureau of Customs (BOC) matapos ipagwagaywayan sa taumbayan ang kanilang ginawang pagsira sa tinatayang aabot sa tatlong bilyong pisong halaga ng mga kargamento kahapon sa isang condemnation facility sa San Pedro, Laguna kaysa ipamigay sa mga kababayang sinalanta ng bagyong Ompong nitong nakaraang linggo.

Ang sinasabing mga kargamento ay pag-aari ng  Tritek Reverse Logistic Corp. at nasakote ito ng mga tauhan ng Customs sa isinagawang raid noong November 2017 sa isang warehouse sa Unit 8-1, 10-A, at 10-B sa Vicente Tower sa 1275 Dagupan St., Tondo, Manila.

Nakuha sa naturang pagsalakay sa loob ng warehouse ang mga pabango, shampoo, makeup, lipstick, at labelling machines na mayroong brand name na Gio Armani, Dior, Olay, Nivea, at Cetaphil.

Ayon sa mga tumutuligsa sa pamunuan ng BOC, ito ay isang dagok sa pamahalaan dahil sa halip na maghagilap ng pera si Pangulong Duterte para ipamigay sa mga biktima ng bagyo, itong mga sinirang kargamento ay malaking bagay lalo na sa mga kapus palad na walang pambili ng shampoo at iba pang bagay na winasak.    FROI MORALLOS

Comments are closed.