P3-B PINSALA NI ‘URSULA’ SA AGRI

AGRICULTURE-1

UMAKYAT na sa P3.05 billion ang pinsala sa agrikultura ng bagyong Ursula mula sa naunang naitala na P1.35 billion, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa kanilang pinakahuling monitoring bulletin, sinabi ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng ahensiya na ang total volume ng production loss sa bigas, mais, high-value crops, livestock, at fisheries ay nasa 39,461 metric tons (MT), na nakaapekto sa 30,705 hectares at 84,306 farmers at fisherfolk sa Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, at Eastern Visayas.

Karamihan sa production losses ay naitala sa fisheries sector, na nasa 71 percent o P2.17 billion na nakaapekto sa 48,408 fisher-folk.

Para sa bigas, may P326.87 million na may volume production na8,761 MT ang napinsala at nakaapekto sa 20,611 hectares.

Umabot naman ang pinsala sa high-value crops sa P371.11 million na may a production volume loss na 27,831 MT na nakatanim sa 6,997 hectares.

Ayon sa DA, may 4,540 bags ng certified palay seeds ang ipinamahagi sa mga apektadong magsasaka sa Occidental Mindoro, habang nagpapatuloy ang distribu­syon ng 3,300 bags ng certified palay seeds sa Oriental Mindoro.

Samantala, naghanda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng assistance package sa mga apektadong fisherfolk sa Western Visayas na kinabibilangan ng seaweed seedlings, milkfish culture, oyster rafts, milkfish cages na may fingerlings at structure, at 20-footer fiber reinforced plastic boats, fishing gear, at paraphernalia.   PNA

Comments are closed.