ISA-ISANG tinukoy ni Speaker Alan Peter Cayetano ang mga tatanggalin nilang budget at kung saan ili-lipat ang mga ito kaugnay sa inaprubahang panukalang 2020 national budget na may kabuuang halaga na P4.1 trilyon.
Sa isang ambush interview, pangunahing binanggit ng lider ng Mababang Kapulungan ng Kon-greso ang nasa mahigit P5 bilyon na ilalaan sa May 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections, na ang P3 bilyon ay ililipat na lamang sa National Food Authority (NFA) para magamit sa pagbili nito ng pa-lay ng mga lokal na magsasaka.
Ayon kay Cayetano, bunsod na rin sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mam-babatas na ipagpaliban ang nasabing halalan, nakatakdang magpasa ang lower house ng panu-kalang batas hinggil dito partikular ang pagsusulong na sa taong 2023 na lamang isagawa ito.
Sa ilalim ng 2020 General Appropriations Bill (GAB), nabatid na may nakapaloob na budget para sa Commission on Elections (Comelec) na maaaring gamitin nito para sa pagdaraos ng Ba-rangay and SK polls.
Makabubuti, aniya, na ang hindi magagamit na pondo na ito ng poll body ay mailipat na lamang sa NFA, partikular bilang budget sa palay procurement ng huli.
Sinabi pa ni Cayetano na ang isa pa sa tatapyasan ng Kamara ay ang nakalaang budget para sa pagbaba-yad ng gobyerno ng ‘right of way’ o ROW sa mga ari-ariang masasapol ng iba’t ibang infrastructure pro-jects nito.
Aniya, nakikita nila na hindi naman magagamit lahat ang ROW payments fund sa susunod na taon kung kaya may bahagi nito na ililipat na lamang para pondohan ang mas prayoridad na programa ng Duterte administration.
Bukod sa NFA, sinabi ng House Speaker na nais din niyang madagdagan ang maintenance and other operating expenses (MOOE) budget item ng Department of Education (DepEd) at makatotohanang rural electrification pro-gram at maging ng sektor ng isports mula sa nabanggit na tatapyasing pondo.
“Since noong naging congressman ako noong 1998, parati ko na lang naririnig full electrifica-tion of the whole country. And every year may ipinakikita sa aming mga plano in 5 years in 10 years. So, ang gusto natin bago matapos ang Duterte administration, may full electrification, so definitely magdaragdag din kami riyan,” ani Cayetano.
“Next year is Paralympics Game to be hosted by the Philippines and then the Tokyo Olympics. So defi-nitely, lalagyan natin ng pondo ang sports,” dagdag pa niya. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.