ISANG malakihang rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ipinatupad ng kompanyang Phoenix Petroleum simula kahapon ng alas-12 ng tanghali.
Sa abiso ng kompanya, P3 ang bawas sa kada litro ng kanilang gasolina at diesel.
Ayon sa Phoenix, ang rolbak ay resulta ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Noong nakaraang Martes ay nagpatupad din ang mga kompanya ng langis ng P1.20/L bawas sa presyo ng gasolina, P1.05/L sa kerosene at P0.75/L sa diesel.