SAMAR – NAMAHAGI si Senador Lito Lapid ng ayuda sa mga mahihirap na pamilya na kung saan ay naglaan sila ng P3 milyon para sa Assistance to Individual in Crisis Situation(AICS) sa Calbayog.
Sa inisyatiba nina Senador Lapid at 2nd District Cong. Jimboy Tan ay nagpahayag ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa napapanahong ayuda sa kanila kabilang na ang mga senior citizen, PWDs, single parents at mga estudyante.
Patuloy ang pag-iikot ni Lapid sa mga nasalanta ng bagyo at iba pang lugar para mamahagi ng food packs at ayuda sa mga apektadong mamamayan.
Nagpasalamat din si Mayor Raymund “Monmon” Uy kay Senador Lapid at TIEZA COO Mark Lapid sa ibibigay na pondong P150-milyon na ipambibili ng Airport Runway Lighting System (ARLS) para makalapag ang mga eroplano sa gabi sa kanilang paliparan.
Ani Lapid, chairman ng Senate Committee on Tourism na malaki ang maitutulong ng nasabing airport sa pag-unlad ng ekonomiya at turismo sa lungsod ng Calbayog.