P3-M HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA SA BUY BUST

SHABU-5

NAKUMPISKA ng aw­toridad ang nasa P3 milyon halaga ng shabu sa anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga na naaresto sa magkakasunod na buy bust operation sa Caloocan, Bulacan at Maynila.

Ayon kay Caloocan police deputy chief for administration Supt. Ferdinand Del Rosario, unang naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa buy bust operation sa pangunguna ni PSI Cecilio Tomas Jr. si Marife Dominguez alyas “Ape”, 34, sa P. Burgos Street, Brgy. 15, Caloocan City dakong 11:30 ng umaga sa kahabaan ng P. Burgos St., Brgy. 15 at narekober sa kanya ang 6.0 gramo ng shabu at buy bust money.

Inginuso ni Do­miguez si Jocelyn Dalagan, 39, na kanyang source ng ilegal na droga kaya agad nagkasa ng follow-up buy bust ope­ration ang mga operatiba sa loob ng kulay itim na Hyundai Sonata Theta (PIC-275) na nakaparada sa harap ng fastfood chain sa kahabaan ng McArthur Highway, Meycuayan, Bulacan, alas-2 ng hapon na nag­resulta sa pagkakaaresto kay Dalagan at Kenneth Maclan, 24.

Narekober kina Dalagan at Maclan ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P500,000 market value at P5,000 buy bust boodle money.

Nasakote rin si Ian Insa alyas “Nino”, 26, sa follow-up buy bust operation ng mga operatiba sa loob ng Mitsubishi Mirage (NN-5154) na nakaparada sa kahabaan ng 3rd Avenue, BMBA Brgy. 120, Caloocan City, alas-10:30 ng gabi matapos itong inguso ni Dalagan na kanyang source ng ilegal na droga. Nakumpiska kay Insa ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P500,000 market value ang halaga at P7,700 buy bust boodle money.

Isa pang follow-up buy bust operation ang ikinasa ng mga operatiba sa España corner P. Noval St., Sampaloc, Manila City, dakong alas-12:15 ng Linggo ng mada­ling araw na nagresulta sa pagkakaaresto kina Sandralyn Amirul, 34, at Pernaida Salihuddin, 19, matapos silang ituro ni Dalagan na kanyang source ng ilegal na droga.

Nakuha kina Amirul at Salihuddin ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na umaabot sa halagang P500,000 market value at P7,000 buy bust boodle money. EVELYN GARCIA

 

3 thoughts on “P3-M HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA SA BUY BUST”

  1. I am frequently to blogging and i also genuinely appreciate your posts. The article has truly peaks my interest. My goal is to bookmark your site and maintain checking choosing details.

  2. Wow I just love her! She is so beautiful and a really good actor. I don’t think the show V is all that good, but I watch it anyway just so I can see Morena. And I don’t know if you’ve ever seen her do an interview but she is also rather funny and its all so natural for her. I personally never even heard of her before The V, now I’ll watch anything she’s on.

  3. The following time I read a blog, I hope that it doesnt disappoint me as a lot as this one. I mean, I do know it was my option to read, but I actually thought youd have something interesting to say. All I hear is a bunch of whining about something that you would fix should you werent too busy in search of attention.

Comments are closed.