SINASAGWAN lamang nila dati ang kanilang wooden bancas sa pangingisda.
Ngayon ay may nagagamit nang de motor na bangka ang mahihirap na mangingisda sa Guimaras makaraang tanggapin ang P3 million na livelihood assistance mula sa pamahalaan.
May kabuuang 150 mangingisda mula sa Nueva Valencia ang nabiyayaan kamakailan ng livelihood grant ng Department of Labor and Employment (DOLE), base sa report ng DOLE regional office kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ang livelihood assistance para sa mahihirap na mangingisda ay para sa pagbili ng engines upang i-upgrade ang kanilang mga bangka sa motorized fishing vessels.
“For years, fishermen in the municipality have toiled hard to catch fish for their daily sustenance. Without motorized fishing boats, they could not cope with the rising cost of living under present times,” wika ni Bello.
Ayon kay Bello, gaganda na ang buhay ng mga mangingisda sa coastal barangays ng Cabalagnan, Tanhawan, Dolores, Igang, Igdarapdap, Lapaz, Lucmayan, Magamay, Pandaraonan, Poblacion, San Roque, San Antonio, Santo Domingo, Tando, Guiwanon at Panubulon.
Samantala, binigyang-katuwiran ni DOLE Region 6 director Cyril Ticao ang pagkakaloob ng ayuda sa mga benepisyaryo.
“The support aims to develop a sustainable livelihood that will provide stable means of income to the families of the poor fishermen,” ani Ticao.
Aniya, nagpapasalamat ang mga benepisyaryo sa tulong ng gobyerno. “They appreciate the big helping hand of DOLE,” dagdag niya.
Comments are closed.