KALINGA – NAGRESULTA ng pagkakumpiska ng nasa P3 milyon ang halaga ng marijuana oil ang ikinasang anti-illegal buy bust operation ng pulisya sa Tabuk City, Kalinga noong Sabado.
Ayon kay Police Major Richard Gadingan, information officer ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO), nasa 25 bote na naglalaman ng marijuana oil ang kanilang nakuha kay Rogelio Paut, 42-anyos ng Brgy. Bugnay, Tinglayan.
Kasama ni Paut ang dalawang kabataan na pawang high school student.
Sinabi ni Gadingan na ang kanilang pangunahing target sa operasyon ay si Paut kaya maaring ginamit lamang ang dalawang menor.
Sinasabing ibebenta sana ang marijuana oil sa mga malalaking lungsod sa bansa kung saan ginagamit umano ito sa pagtanggal ng mga pananakit sa katawan.
Nakuhanan din ng pulisya ang suspek ng baril, buy bust money at isang motorsiklo. IRENE GONZALES
Comments are closed.