NAKALIKOM ng aabot sa P3 milyon para sa mga pasyente ng Parañaque City Therapy Center for Children with Special Needs mula sa unang Mayor Eric Olivarez Golf Cup na ginanap sa Tagaytay Midlands Golf Club nitong Biyernes.
Ayon sa mga opisyales ng Rotary Club of Parañaque-Saint Andrew na siyang nag-organisa ng event, ang huling kaganapan ay naisagawa noon pang 2019 dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19 ay nakakalap ng P5 milyon sa ticket sales, sponsorships at participation fees.
Ayon sa alkalde, malayo ang mararating ng naipon na pondo sa pagsisimula ng golf cup na makasisiguro sa paggamit at pagpapanatili sa Therapy Center for Children with Special Needs.
“This means a lot to our children with special needs in Parañaque who depend on the free services and facilities provided by the Therapy Center that would otherwise be very expensive and unaffordable especially to poor families,” anito.
Napag-alaman naman kay Cissette Ricardo, presidente ng Rotary Club of Parañaque-Saint Andrew na karamihan sa kanilang miyembro ay kapareho ng pananaw ni Olivarez sa pagbibigay ng buong suporta sa mga batang mayroong special needs.
Nagpasalamat naman si Mrs. Aileen Olivarez sa pagtatapos ng programa sa lahat ng sumusuporta sa golf cup gayundin sa Therapy Center.
“We really need all the support so that we can serve more children with special needs,” saad pa ng kabiyak ni Olivarez.
Aniya, magmula nang magbukas ang Center noong Hunyo ay mayroong kabuuan na 880 bata ang nagparehistro para sa therapy at kanilang napagkalooban ng tulong ang 130 bata sa loob lamang ng nakaraang buwan.
Ang Center ay nagbibigay espesyal na serbisyo tulad ng physical therapy, speech at language therapy, occupational therapy, at creative arts therapy sa pamamagitan ng kusika, pagsasayaw at pagpipinta.
Nagbibigay din ito ng maagang intervention program at modernong pasilidad tulad ng sensory integration room, grooming room, mini-theater, simulation room para sa adaptive life skills pati na rin ng training room ng mga magulang.
Dagdag pa nito, ang lahat ng miyembro ng staff ay mga lisensyadong propesyunal at mga regular na empleyado ng lokal na pamahalaan na siya namang nagbibigay ng pondo para sa buong operasyon ng naturang Center. MARIVIC
FERNANDEZ