P3 M SHABU NASAMSAM SA 4 DRUG COURIERS

CAVITE – REHAS na bakal ang binagsakan ng apat tulak na sinasabing nasa drug watchlist makaraang makumpiskahan ng P3 milyong halaga na shabu sa ikInasang buy-bust operations ng Cavite PNP sa Brgy. San Francisco, General Trias City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 ang mga suspek na sina Aiman Maruhom y Sultan, 20-an­yos; Khalid Aloyodan y Magandama, 18-anyos; Hemando Macapantaw y Mala, at John Vincent Jayalathge Don y Dollos na pawang nakatira sa Sitio Elang, Brgy San Francisco.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na isinailalim sa masusing surveillance ang mga suspek kaugnay sa patuloy na drug trade na sinasabing supplier ng shabu ang mga ito sa nasabing barangay at karatig na lugar.

Gayunpaman, nang magpositibo ang surveillance ay ikinasa ang buy bust operation ng pinagsanib pu­wersa ng Cavite PNP at PDEA-A4 kung saan hindi na nakapalag ang mga suspek na nakumpiskahan ng 11 plastic sachets na 450 gramo na shabu at may street value na P3 milyon.

Bukod sa 450 gramo na shabu ay nasamsam din ang kulay abong Toyota Vios na may plakang AAK 8224 at mark money na ginamit sa drug bust operations.

Isinailalim na sa drug test ang mga suapect habang pina-chemical analysis naman sa Cavite Provincial Crome Laboratory ang 450 gramo na shabu na gagamiting ebidensya sa pagsasampa ng kaso sa Provincial Prosecutors Office. MHAR BASCO

7 thoughts on “P3 M SHABU NASAMSAM SA 4 DRUG COURIERS”

  1. 215456 211483This web page may be a walk-through like the data you wanted concerning this and didnt know who need to. Glimpse here, and youll definitely discover it. 662498

Comments are closed.