MAGIGING isang multi-millionaire ang makasusungkit ng kauna-unahang gold medal ng Filipinas sa Olympics.
Higit sa karangalan ay ito ang naghihintay sa sinumang Pinoy athlete na mag-uuwi ng gold mula sa Tokyo Olympics.
Dinagdagan ni business tycoon Ramon S. Ang ang insentibo para sa nalalapit na Games sa pagkakaloob ng P10 million para sa bawat gold sa Tokyo.
Ginawa ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino ang anunsiyo sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon.
Nauna na ring nangako si sports patron Manny V. Pangilinan sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation ng P10 million na insentibo para sa bawat gold, P5 million sa silver at P2 million sa bronze.
“Now RSA is giving the same amount,” sabi ni Tolentino.
Kasama ang orihinal na cash incentives mula sa gobyerno, ang gold medal sa Tokyo ay nagkakahalaga na ngayon ng P30 million; silver, P15 million; at bronze, P6 million.
“I expect more to come once the gold is delivered. It may even reach P50 million,” pahayag ni Tolentino sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Nagpahiwatig din si Tolentino ng brand-new house and lot para sa bawat atleta na magwawagi ng gold.
Muli ring nagpahayag ng kumpiyansa ang POC chief na matutuldukan na ang gold medal drought ng bansa sa Olympics sa Tokyo na aarangkada ngayong buwan.
Ayon kay Tolentino, determinado at ‘highly motivated’ na manalo ng gold ang 19 athletes na kakatawan sa bansa.
“Definitely. This is our time. We’ll win that gold as one,” aniya.
Ang 19 atleta na kakatawan sa Filipinas sa pinakaprestihiyosong multisport event sa mundo ay sina Ernest John Obiena (athletics), Carlos Yulo (gymnastics), Eumir Felix Marcial (boxing), Irish Magno (boxing), Nesthy Petecio (boxing), Carlo Paalam (boxing), Hidilyn Diaz (weightlifting), Cris Nievarez (rowing), Kurt Barbosa (taekwondo), Margielyn Didal (skateboarding), Elreen Ando (weightlifting), Jayson Valdez (shooting), Juvic Pagunsan (golf), Kiyomi Watanabe (judo), Kristina Knott (athletics), Yuka Saso (golf), Bianca Pagdanganan (golf), Luke Gebbie (swimming) at Remedy Rule (swimming).
756092 493528really nice publish, i undoubtedly adore this web website, carry on it 647128
962159 806074Thank you for having the time to discuss this subject. I truly appreciate it. Ill stick a link of this entry in my site. 330683