ANG buwis sa e-cigarettes ay dapat na kapantay ng sa regular na tobacco products para makatulong sa pagsugpo sa paninigarilyo at paglikom ng pondo para sa universal healthcare, ayon sa mga opisyal ng Department of Health (DOH) at Department of Finance (DOF).
Sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na ang dagdag-buwis sa vape products ay makalilikom ng P300 billion sa loob ng limang taon.
“The higher, the better,” wika ni Health Undersecretary Eric Domingo patungkol sa buwis sa e-cigarettes.
“We want young people not to even start the habit of drinking and smoking,” pahayag ni Domingo.
Isinusulong ng health at finance departments ang mas mataas na liquor taxes makaraang matagumpay na maipasa ang isang bill na nagtataas sa buwis sa sigarilyo.
Simula sa Enero 2020, ang presyo ng sigarilyo ay tataas ng P45 per pack mula sa P35 at unti-unting tataas hanggang sa umabot sa P60. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.