NANGANGANIB na bumaba ang halaga ng produksiyon ng meat processing sector sa bansa dahil sa takot sa African Swine Fever (ASF).
Ayon sa Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI), ipinagbawal na ng high-demand provinces sa Visayas ang mga buhay na baboy at pork products mula sa Luzon.
Ang Cebu at Bohol, na bumubuo sa 10% hanggang 15% ng total national sales ng processed meat products, ay nagpatupad ng total ban sa hogs at pork products mula sa Luzon.
“The industry is bearing the brunt of Cebu and Bohol’s total ban,” wika ni Jerome Ong, vice president ng PAMPI.
Aniya, ang processed meat industry ay isang P300-billion industry, na may iba’t ibang bahagi na maaapektuhan ng ASF scare.
“Iba-iba ‘yung epekto niyan. Mayroon sa hamon, hotdog, de lata … Maybe ‘yung P300-billion sector namin will shrink by about 5% to 10%, or it will go down to about P270 billion to P285 billion, rough estimate,” ani Ong.
“So, kung hindi mali-lift ‘yung ban, ‘yung ine-expect namin na minimum na magiging impact … is 10% to 15%,” aniya.
Gayunman, dahil sa ripple effect ng scare factor, maging ang mga lalawigan na walang total ban ay maaari aniyang bumaba ang consumption.
“So, puwedeng maging more than 10 to 15% ang impact,” dagdag pa niya.
Comments are closed.