P300-K ‘DAMO’ NASAMSAM SA BUY BUST

CABANATUAN CITY-TINATAYANG aabot sa P300k halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska sa buy bust sa Brgy, San Juan Accfa sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

Sa report na tinanggap ni PNP Regional Director BGen. Matthew Baccay kinilala ang suspek na si Justine Jay Cruz y Tipora alyas Jay Jay, 21-anyos, binata ng Brgy. Mabini Extension sa nabangit na lungsod.

Nakumpiska sa suspek ang 5 plastic sachets at 3 bricks marijuana na tumitimbang ng 2.5 kilo na nagkakahalaga ng P306,600.00 at P500 marked money.

Samantala kasong paglabag sa Sec. 5 & 11, Art. II ng R.A. 9165 ang kakaharapin ng suspek. THONY ARCENAL