RIZAL-NAGLAAN ng “reward“ na tatlong daan libong piso ang tanggapan ni Taytay Mayor Joric Gacula sa makakapagturo sa suspek na pumatay sa staff nito kahapon sa Taytay sa lalawigang ito.
Ayon sa FB post ng alkalde, binaril at napatay ang kanyang staff na si Fhel Malaqui na magtamo ng 4 na tama ng kalibre 45 kahapon ng umaga sa Obadiah St., Floodway, Brgy., Sta Ana, Taytay.
Ang nasabing pabuya ay para maging susi sa pagkakahuli at posibleng pagtuklas kung sino ang nasa likod ng krimen at ano ang motibo.
Aniya, si Malaqui ay isang matapat na kawani ng Pamahalaang Bayan ng Taytay at isang Lider pulitika ng Development Team at hindi titigil hanggang hindi nabibigyan ng katarungan at hustisya ang pagkamatay nito.
Kaya’t pakiusap nito sa pulisya at sa lahat ng Taytayeñyo na tumulong sa awtoridad upang mahuli at mabunyag ang nasa likod ng pagpatay sa kawani ng pamahalaang lokal. ELMA MORALES