P300-M INILAAN SA DRONE4RICE PROJECT

NASA P300 milyon ang alokasyon ng Department of Agriculture (DA) para sa National Rice Program (NRP) na kakailanganin upang suportahan ang pagsusulong sa ligtas na paggamit ng drones ng mga magsasaka sa ilalim ng Drone4Rice Project nito na inaasahang makatutolong sa pagpapalakas ng kanilang produksiyon.

“It primarily caters to organized groups such as rice clusters, Irrigators’ Associations (IAs), Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs), Small Water Irrigation System Associations (SWISAs), and Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs),” sabi ni Glenn D.C. Estrada, Program Director ng Digutalization and Value Chain Development of Masagana Rice Industry Development Program ng DA.

Ang hakbang ay base sa isinusulong ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) at ng Department of Agriculture-National Rice Program (DA-NRP) na precision agriculture sa pamamagitan ng Drones
4Rice project ng ahensiya kung saan ang mga organisadong grupo ng mga magsasaka ay hinihikayat gamitin ang naturang teknolohiya para sa kanilang mas ligtas na farming activities. Noong Biyernes ay ipinaliwanag sa isang press conference ng mga opisyal ng DA ang mga benepisyo ng naturang teknolohiya lalo na sa rice farmers.

Ipinaliwanag din dito kung bakit kinakailangan ang regulasyon sa naturang drone.activities.

Ayon kay Estrada, sa ilalim ng Drone4Rice Project ng DA, tatanggap ang bawat benepisyaryo ng vouchers para sa subsidized access to drone services na nagkakahalaga ng P2,000 kada ektarya para sa full drone-assisted farming operations nito, mula pre-flight planning, crop establishment, nutrient management, at pest and disease control.

“The NRP allotted about 300 million pesos to support the commercial application of drones. It primarily caters to organized groups such as rice clusters, Irrigators’ Associations (IAs), Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs), Small Water Irrigation System Associations (SWISAs), and Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs),” sabi ni Estrada.

Nilinaw ni Estrada na bagama’t hindi direktang bibili ng drone ang DA-NRP ay titiyakin naman nila na magkakaroon ng access ang mga farmer sa drone services sa pamamagitan ng naturang voucher system ng programa.

Samantala, tinalakay naman ni Dir. Julieta B, Lansangan, Executive Director ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), ang papel na gagampanan ng kanilang ahensiya sa Drone4Rice project. Ang kanilang tungkulin, aniya, ay ang tiyaking maipatutupad ang kanilang itatakdang protocols at regulasyon sa paggamit ng drone sa agrikultura.

“Bakit kailangang i-regulate? Puwede po kasing gamitin ang drone for terrorism activities, so ‘yung mga gagamit dapat ng drone for agricultural use, kailangan silang ma-regulate,” paliwanag ni Lansangan.

Bukod sa pagtitiyak na hindi ito magagamit sa terorismo, proteksiyon din ito sa mga gumagamit, consumers, maging sa kalikasan habang nagsasagawa ng aplikasyon ng agricultural inputs ang mga magsasaka na makatutulong sa kanilang produksiyon, dagdag ni Lansangan.

“With the spraying of pesticides using application drone, there is a need for regulation para makita ‘yung effectivity ng produkto. Kaakibat din nito ang pagsiguro sa safety ng user at ng applicator, the community, the crops and consumer, the environment. As we go along, we develop new application technology also,” sabi ni Lansangan.

Hinikayat ng naturang mga ahensiya ng DA na suportahan ang Drone4Rice na programa nito na naglalayong pagandahin at pataasin ang produksiyon ng mga produkto ng agrikultura, partikular na ang bigas. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia