ITINUTULAK ng isang kongresista na taasan ang minimum na sahod ng mga private school teacher.
Sa House Bill 5166, pinatataasan ni ACT Teachers Rep. France Castro Castro sa P30,000 ang minimum salary ng mga guro na nasa private schools.
Giit ni Castro, ang mga private school teacher na nakatalaga sa basic education, lalo na ang mga nasa labas ng Metro Manila, ay tumatanggap ng mababang suweldo at benepisyo.
May mga ulat na nakatatanggap lamang ang marami sa mga private school teacher ng sahod na P3,000 hanggang P6,000 kada buwan.
Hindi rin, aniya, dapat nakadepende ang laki ng sahod ng mga private school teacher sa tuition increase.
Ipinunto pa ng kongresista na malaki ang maitutulong ng dagdag na sahod sa mga pribadong guro para maitaas ang kanilang moral at makahikayat pa ng mas maraming magtuturo. CONDE BATAC
Comments are closed.