P300,000 MARIJUANA, SINUNOG NG PDEA-CAR

marijuana

KALINGA – Umaabot sa P3 milyong halaga ng marijunana ang sinunog matapos ang 3-araw na operasyon ng Cordillera police, Phil. Drug Enforcement Agency-CAR at tropa ng militar sa kabundukan ng Tinglayan.

Ayon kay Cordillera Police Director P/Brig. Gene­ral Israel Ephraim Dickson, sinalakay ng mga awtoridad ang 1,950 square meters na tatlong plantasyon ng marijuana sa bahagi ng Barangay Loccong sa nabanggit na bayan.

Pinagtulungan ng mga pulis-Kalinga, PDEA-CAR at tropa ng 503rd Infantry Brigade ng Phil. Army na wasakin ang 14,600 fully grown marijuana na sinunog mismo sa kabundukan.

Sa nakalipas na buwan ay inilunsad ang “Oplan Buscong Ridge” kung saan aabot sa P5.7 milyong halaga ng marijuana ang sinunog sa Barangay Butbut Proper sa nasabing bayan.

Dahil sa patuloy na operasyon ng pulisya, PDEA-CAR at militar laban sa marijuana plantation sa nasabing rehiyon ay palatandaang babala lamang sa mga planter na abandonahin na ang pagtatanim ng marijuana.  MHAR BASCO

Comments are closed.