P300K PABUYA VS KILLER NG KAPITAN DEL BARRIO

Pabuya

BULACAN   – NAG-ALOK ng P300,000 ang pamahalaang bayan ng Baliwag sa sinumang makapagtuturo sa bumaril at nakapatay sa kapitan ng Barangay  San Jose.

Matatandaang  inam­bus ng riding-in-tandem criminals si Kapitan Ronaldo Rivera, alyas Kap. Lupa, habang nagmamaneho ng kanyang truck sa Brgy, Tarcan ganap na alas-12:22 ng hapon noong Lunes, Setyembre 9.

Nabatid na kilalang masipag at matulungin sa kanyang lugar si Kap.Lupa kaya labis ang lungkot at panghihina­yang ng kanyang mga kabarangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, sakay ng kulay pula na motorsiklo ang mga suspek na armado ng cal.45 baril.

Nakasuot ng kulay itim na jacket ang driver habang nakasuot ng kulay puting t-shirt ang gunman.

Una nang  nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay ang kapitan, na may kaugnayan sa paglaban nito sa talamak na bentahan ng illegal drugs sa kanyang barangay.

Samantala patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis sa naganap na ambush sa kapitan  kung sino ang nasa likod ng pamamaslang. THONY ARCENAL

Comments are closed.