NASABAT ng polisya kamakailan ang nasa 2,000 pekeng Louis Vuitton items na nagkakahalaga ng PHP308 million at inaresto ang 10 tao sa isang raid sa shopping mall sa Binondo, Manila.
Nakuha ng operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group’s (CIDG) Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit ang mahigit na 2,000 pekeng Louis Vuitton na paninda mula sa ilang tindahan sa 168 Shopping Mall.
Sinabi ng polisya na ang raid na nangyari ay nagresulta sa pagkumpiska ng pekeng sinturon, wallets, sombrero, card holder, keyholder, paper bags at karton na nagtataglay ng Louis Vuitton trademark.
Ang mga nakumpiskang mga gamit ay dinala na sa isang warehouse, pahayag ng mga pulis. PNA
Comments are closed.