P30M SMUGGLED NA SIGARILYO NASABAT

NASABAT ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Manila International Container Port (MICP) ang mga smuggled na sigarilyo pagdaan sa X-ray inspection na ilinatag.

Nasa isang shipment ng MBS Cargo Movers na idineklarang mga personal effects nadiskubre ang naturang mga sigarilyo na taliwas ang naging deklarasyon ng consignee kaugnay sa kanilang kargamento.

Nabatid na ang tunay na laman ng container ay 820 master cases ng Astro brand cigarettes na tinatayang aabot sa P30 milyon ang halaga.

Ayon sa pamunuan ng BOC, kakaharapin ng consignee ang kasong kriminal, dahil sa paglabag Section 1400 of RA 10863 also known as the Customs Modernization and Tarrif Act (CMTA).
FROILAN MORALLOS

Comments are closed.