P31.8-M INIUWI NG TAGA NAGA CITY

lotto

ISANG  Filipino na naman ang nabago ang buhay nang dahil sa pa­larong lotto ng PCSO. Masuwerteng nakuha ng isang manlalaro ng LOTTO 6/42 ang jackpot prize na Php31,846,491.00, nitong Martes, Nobyembre 6, 2018.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander F. Balutan, ang winning ticket na may kombinasyon na 19, 02, 31, 10, 08 at 22 ay binili sa lotto outlet na matatagpuan sa Naga City, Camarines Sur.

Nanalo naman ng Php7,690.00 ang 103 na naglaro ng LOTTO 6/42 na nakakuha ng tamang limang numero, Php240.00 naman ang inuwi ng  2,546 na tumatangkilik ng nasabing laro na nakaapat na numero at nag-uwi naman ng Php 20 ang 31,121 katao na nakatatlong numero.

Ang LOTTO 6/42 ay nilalaro tuwing Martes, Huwebes at Sabado, at mapanonood live sa PTV 4 alas-9 ng gabi.

Muling nagpasalamat si GM Balutan sa milyon-milyong tumatangkilik sa lahat ng produkto ng PCSO. Sa pamamagitan ng inyong pagsuporta at paglaro sa ating produkto, tuloy-tuloy rin ang pagtulong pangkalusugan at pagbibigay ng serbisyong pangka-wanggawa ng PCSO sa ating mga kababayan sa buong bansa. Sa inyong pagbili ng tiket may pagkakataon na kayong maging milyonaryo, sigurado pa kayong nakatulong sa kapwa n’yo.

Para sa mga winning combination at schedule ng iba pang PCSO gaming products ay maaaring bisitahin ang opisyal na website ng PCSO sa www.pcso.gov.ph at ang FB page na https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at youtube PCSO GOV.

3 thoughts on “P31.8-M INIUWI NG TAGA NAGA CITY”

  1. 931259 930821This is 1 very intriguing post. I like the way you write and I will bookmark your blog to my favorites. 229960

Comments are closed.