P32.44-B DROGA NAKUMPISKA NG PDEA

UMAABOT na P32.44 bilyon ang halaga ng samut saring iligal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency sa kanilang mga isinagawang anti illegal drug campaign simula pa noong Hulyo 1, 2022 hanggang nitong Pebrero 2024.

Sa inilabas na “The NUMBERS of the National Anti-Drug Campaign” ay nakasamsam ang PDEA ng 4,353.81 kilograms ng shabu, 50.5 kgs ng cocaine habang umaabot naman sa 54,016 piraso ng party drugs o ecstasy ang nasamsam ng ahensya bukod pa sa 3,589.08 kilos ng marijuana.

Umabot naman sa 5,691 ang naarestong high value targets sa loob ng 61,800 anti-drug operation na inilunsad ng PDEA.

Lumabas din sa talaan ng ahensya na na may kabuuang bilang na 28, 330 PDEA ang drug cleared barangay, habang nasa 7,181 barangay naman ang itinuturing na drug affected barangays.

Isang clandestine drug laboratory ang kanilang nabuwag habang umabot naman sa 901 drug den ang sinalakay at na-dismantle ng mga awtoridad.

Umabot sa bilang 84,291 ang naaresto na drug personalities ang mga nahaharap sa kasong paglabag ng RA 9165 comprehensive dangerous drug act of 2002

Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo na ang inilabas na ulat ay upang ipakita sa publiko na tuloy tuloy ang ginagawa ng ahensyang pagsugpo sa salot ng lipunan at wasakin ang mga nasa likod ng mga drug syndicate at panagutin sa umiiral na batas.
VERLIN RUIZ