QUEZON CITY – OPERATIBA mula sa Manila City Police ang dumakip sa isang bank teller kung saan nakuha sa kaniya ang P321,000 halaga ng hinihinalang cocaine at party drugs na kaniyang inorder sa online shopping noong Sabado ng gabi.
Arestado rin ang driver ng hindi pinangalanang suspek nang maabutan sila sa gasolinahan sa Katipunan Avenue.
Umorder sa social media ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng P20,000 halaga ng ecstasy sa mga inaresto.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 208 tableta ng hinihinalang ecstasy at dalawang pakete ng cocaine. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.