UMABOT na sa P33.5 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Western Visayas ng pagsabog ng Mt. Kanlaon noong Disyembre 9, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
ulat ng NDRRMC noong Martes, ang apektadong crop areas ay nasa 298.05 ektarya, kung saan 34.54 ektarya ang klinasipika bilang “wala nang tsansang makarekober” habang ang nalalabing 263.51 ektarya ay “partially damaged” o may tsansang makarekober.
Ayon sa NDRRMC, nasa 830 magsasaka at mangingisda sa Western Visayas ang apektado ng pag-aalburuto ng bulkan.
Nasa 12,043 pamilya o 46,259 indibidwal na naninirahan sa 26 villages sa Western Visayas at Central Visayas ang apektado.
Sa nasabing bilang, 4,420 pamilya o 14,441 indibidwal ang nasa 34 evacuation centers habang 2,192 pamilya o 6,977 katao ang tinutulungan sa labas.
ULAT MULA SA PNA