P33-M, CONDO, HOUSE AND LOT NAGHIHINTAY KAY DIAZ

abraham tolentino

BUKOD sa hindi bababa sa P33 million na cash reward ay naghihintay rin kay Hidilyn Diaz ang ilang residential properties.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Rep. Abraham Tolentino, may house and lot sa Tagaytay na naghihintay kay Diaz kasunod ng kanyang makasaysayang gold medal triumph sa Tokyo Olympics.

Tinuldukan ni Diaz ang 97 taong Olympic gold medal drought ng Pilipinas nang madominahan ang women’s weightlifting 55-kg event noong Lunes ng gabi.

Ani Tolentino, kabilang din sa insentibong matatanggap ni Diaz ang isang van mula sa Foton.

Inanunsiyo rin kahapon ng property developer Megaworld na bibigyan nila si Diaz ng isang condominium unit sa Eastwood City.

Nauna na ring inihayag ni Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA)  forum na pagkakalooban ng house and lot ang atletang Pinoy na mananalo ng  gold medal sa Olympics.

“Sigurado ako na meron pang susunod. Marami po akong sinulatan, tinawagan. Hindi ko na lang sasabihin, hintayin ko na lang ‘yung paglabas ng commitment nila. Pero minimum P30-M ‘yun, meron pang mga kasunod ‘yan,” sabi ni Tolentino.

Ang P33-M cash reward na matatanggap ni Diaz ay magmumula sa gobyerno (P10-M) at kina business tycoon Ramon S. Ang (P10 million), sports patron Manny V. Pangilinan sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation (P10 million) at Deputy Speaker Mikee Romero (P3 million).

Comments are closed.