WINASAK ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa P34.71 milyong halaga ng mga smuggled na motorsiklo at anim na mga sasakyan.
Kabilang sa mga sinira ang 112 units ng brand new Vespa Scooters, used BMW motorcycles, Harley Davidson, dalawang units ng Triumph mo-torcycle, isang Mitsubishi Pajero, dalawang units Land Rover at isang Volvo.
Kasabay rin na sinira ng mga tauhan ng Port of Cebu ang mga used 2002 Ford Ecoline E350 at 2005 Ford Ecoline E350.
Ayon sa mga tauhan ng BOC, dumating ang mga sinasabing mga sasakyan at motorsiklo sa Manila International container Port (MICP), Subic, Cebu at Port of Iloilo sa magkakaibang petsa.
Ang pagsira sa mga sasakyan ay isinagawa bilang pagsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte para maalarma ang mga smuggler at masawata ang sabwatan sa pagitan ng mga tiwaling kawani ng BOC.
Sinabi ni Duterte na ang sabwatang ito ang sumisira sa collection target ng pamahalaan dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis. FROI MORALLOS
Comments are closed.