P340K MARIJUANA NASAMSAM SA 2 TULAK

marijuana

CALOOCAN CITY– NABAWI ang nasa P340,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa dalawang tulak ng droga na naaresto sa buy bust operation sa lungsod na ito.

Kinilala ni Caloo­can Police Chief P/Col. Noel Flores ang mga naaresto na sina alyas Rey, 19-anyos, ng Ma­labon City, at Danilo Bandesco, 35, ng Brgy. 142.

Ikinasa ng mga ope­ratiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra sa mga suspek sa Brgy. 150 kung saan isa sa mga operatiba ang nagawang makabili ng marijuana sa mga ito.

Nang iabot na ng mga suspek ang isang plastic bag ng pinatu­yong dahon ng marijuana sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P2,000 marked money agad lumusob ang back-up na mga operatiba at sinunggaban ang dalawa.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay resulta sa walang tigil na operasyon kontra ilegal na droga at suporta ng Caloocan Police sa prog­rama ng PNP (Oplan Double Barrel). EVELYN GARCIA