CATANDUANES-TINATAYANG aabot sa humigit kumulang 50 gramo ng shabu na may street value na P340,00.00 ang nasamsam ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 mula sa isang driver na tulak sa isinagawang anti narcotics operation sa Brgy San Isidro Village, Virac sa lalawigang ito kahapon ng umaga.
Ayon kay PNP PRO 5 Regional Director Brig.General Jonnel Estomo nadakip sa isinagawang buy-bust operation bandang alas-8 ng umaga ang 40-anyos na si Eddie Bien y Molina, kabilang sa Regional Level High Value Individual at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa imbestigasyon, ginagamit ng suspek ang kanyang pampasadang tricycle upang maghatid at magbenta ng iligal na droga sa kanyang mga kliyente.
Sa intelligence operation, bago isinagawa ang buy bust ay nakumpirma na nagbebenta rin ang suspek ng droga sa kanilang bahay kaya inilatag ang nasabing dragnet laban kay Bien nang pinagsanib puwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5; RID5-RSOU; PIU/PPDEU-Catanduanes PPO; Catanduanes 1st PMFC; at MPDEU ng Virac MPS.
Nakumpiska sa suspek ang 2 pang pakete ng plastik na naglalaman ng shabu.
Kasalukuyang nakapiit si Bien sa Virac MPS at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 & 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. VERLIN RUIZ
552485 888610Yay google is my world beater aided me to find this outstanding internet site! . 389919
537012 337032Wonderful post, I conceive website owners ought to larn a whole lot from this internet site its extremely user friendly . 787333