P35.1-B PLEDGES TINANGGAP NG PINAS PARA SA MARAWI REHAB

Finance Secretary Carlos Dominguez III-5

UMAABOT sa P35.1 billion o $670 million ang tinanggap na pledges ng bansa mula sa international com-munity para sa isinasagawang rehabilitasyon sa war-torn Marawi City sa Mindanao, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Sa last leg ng Sulong Pilipinas forum sa Davao City, sinabi ni Dominguez na ang international develop-ment partners na nangako ng suporta sa Bangon Marawi Comprehensive Rehabilitation and Recovery Program (BMCRRP) ay kinabibilangan ng Asian Development Bank, World Bank, at International Fund for Agricultural Development.

Ayon kay Dominguez, ang China ang unang bansa na nag-alok ng tulong sa Marawi,  habang ang Japan ay nangako na tu-tulungan ang lungsod na makabangon at ang Spain ay nag-alok naman ng karagda-gang funding support.

“Of the P35.1 billion in pledges, P32.7 billion will be in the form of concessional financing, while P2.4 billion will be in grants,” wika ni Dominguez sa pledging session sa Davao City.

Aniya, ang planong pag-iisyu ng Marawi bonds na nagkakahalaga ng P13.5 billion o $258 million, at P35.1 billion pledges mu-la sa international community, ay sapat para sa P47.2-billion financing requirement para sa BMCRRP.

Sa pagtaya ng pamahalaan, ang overall financing requirement para sa  Marawi ay aabot sa P72.58 billion o $1.39 billion, para sa five-year period hanggang 2022.

Sa nasabing halaga, P47.20 billion ang kinakailangan para sa BMCRRP, habang ang P17.20 billion, na ku-kunin sa local fund-ing, ay gagamiitin sa rehabilitasyon ng pinakagrabeng napinsalang mga lugar sa lungsod.

Nasa P1.25 billion naman ang gagastusin para sa livelihood assistance, na popondohan din ng local sources.

Ang overall financing requirement ay kinabibilangan ng P6.9 billion sa humanitarian assistance na kina-kailangan sa mga unang bahagi ng recovery program.

Ani Dominguez, 58 percent ng  overall requirement ay magmumula sa foreign sources habang ang local funds ay gagamitin para sa nalalabing 42 percent.

“Marawi City will be ready in due time to continue playing its historic role as a center of culture and commerce in this part of Mindanao,” dagdag pa ng kalihim.

Comments are closed.