MAGLALAAN ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng P35-B para sa inisyal na pondo sa Maharlika Wealth Fund (MWF).
Ayon kay BSP Deputy Governor Francisco Dakila, Jr., handa nilang ilaan ang 50 porsiyento mula sa kanilang dibidendo habang ang nalalabing bahagi ay para sa kapital.
Pero kung fully capitalized, ilalaan naman, aniya, ng BSP ang buong dibidendo sa MWF.
Samantala, tiniyak ni Dakila na hindi magagalaw ang foreign reserve ng central bank.
DWIZ 882