P350.85-M AGRI DAMAGE NI ‘ENTENG’

UMABOT sa P350.85 million ang inisyai na pinsala ng bagyong Enteng sa agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa kanilang bulletin na ipinalabas nitong Miyerkoles, sinabi ng DA na ang bagyo ay nakaapekto sa 13,623 magsasaka at mangingisda, base sa initial assessment ng regional field offices, partikular sa Bicol.

Ang volume ng production loss ay tinatayang nasa 14,814 metric tons mula sa 8,893 ektarya.

Ayon sa DA, ang bigas ang pinaka-naapektuhan ni ‘Enteng’, na nagtamo ng P333.08 million na pinsala.

Sumunod ang mais (P14.01 million) at high-value crops (P3.76 million).

Sinabi ng DA na ikinakasa na nito ang mga kinakailangang tulong para sa mga apektadong magsasaka.

Ang ahensiya ay magkakaloob ng P202.86 million na halaga ng seeds, bio-control measures at farm tools sa pamamagitan ng regional offices nito.

Ang mga apektado ay maaaaring makahiram sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) ng hanggang P25,000 kada magsasaka na puwedeng bayaran sa loob ng tatlong taon nang walang interest.

Handa naman ang Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) na bayaran ang mga insured farmer na naapektuhan ng bagyo.