P350K PUSLIT NA CANNABIS-INFUSED VAPE NA-INTERCEPT NG BOC SA CLARK

HINDI nakaligtas sa kamay ng Bureau of Customs (BOC) matapos ma-intercept ang isang kargamento mula sa Estados Unidos na naglalaman ng P350,000 halaga ng mga cannabis-infused vapes sa Port of Clark.

Ayon sa BOC, dumating ang kargamento noong Agosto 26 at idineklarang “Home Decor Lift Top End Table with Charging Station and Wheels, Sofa Side Table with USB Port + AC Outlets at Movable Bedside Nightstand.”

Gayunpaman, nakita ng X-ray Inspection Project scanner ang item ng ito ay sinuri.

Na-detect din ng K-9 unit ang presensya ng mga ilegal na sangkap.

Noong Agosto 29, nagsagawa ang nakatalagang Customs Examiner ng 100% physical examination at nadiskubre ang 200 piraso ng cannabis-infused disposable vapes mula sa iba’t-ibang brand.

Ang mga sample ay isinailalim sa Customs’ Rigaku Spectrometer Reader na may indikasyon ng cannabinoids.

Ang mga sample ay ipinasa rin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa chemical laboratory analysis na kinumpirmang ito ay marijuana.

Ang inspeksyon ay isinagawa sa koordinasyon ng PDEA, Philippine National Police-Aviation Security Group, National Bureau of Investigation-Pampanga District Office, Department of Justice at mga opisyal ng Barangay Dau.

Kaugnay nito, inisyu ang Warrant of Seizure and Detention sa kargamento dahil sa paglabag sa Section 118(g), 119(d), at 1113 paragraphs f, i, at l (3 at 4) ng R.A. No. 10863 onCustoms Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A. No. 9165.

Samantala, maigting ang kampanya ng BOC kontra sa ilegal na produkto ayon kay District Collector Erastus Sandino B. Austria.

Kasabay nito, nagbabala si Commissioner Bienvenido Rubio sa mga drug traffickers at gumagawa ng illegal activities sa bansa.

“Our vigilant efforts at the ports are crucial in the fight against drug trafficking. We remain resolute in our mission to disrupt these illegal activities and ensure that those involved face the full force of the law” ani Commissioner Rubio. RUBEN FUENTES