P355.6-M AGRI DAMAGE NI ‘MAYMAY’, ‘NENENG’

UMABOT sa mahigit P355 million ang kabuuang pinsala sa agrikultura ng Tropical Depression Maymay at Bagyong Neneng sa Luzon.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction and Management Office (DA-DRRMO), ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region at Cagayan Valley Region ang nagtamo ng malaking agricultural losses.

“Based on initial assessment, damage and losses have been reported in Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, and Cagayan Valley amounting to P355.63 million affecting 11,928 farmers, with the volume of production loss at 25,297 metric tons and 15,850 hectares of agricultural areas,” pahayag ng DA-DRRMO.

Karamihan sa agricultural damage ay sa rice production, na nasa 96.88 percent ng naitalang pinsala.

Sa initial amount ay lumitaw na nasa 15,705 ektarya ng rice farms ang naapektuhan, na nagkakahalagang P344.53 million ang pinsala.

Ang pinakamalaking halaga ng pinsala sa rice production ay naitala sa Cagayan, na sinundan ng Ilocos Norte at Apayao.

Ang iba pang commodities tulad ng mais at high-value crops (HVC) ay iniulat din kasunod ng week-long onslaught nina ‘Maymay’ at ‘Neneng’.

Ang pinsala sa high-value crops ay umabot na sa P6.94 million, habang tinatayang nasa P4.16 million ang sa corn production.

Sa ngayon ay nakahanda ang DA na maglatag ng Kadiwa stores para matiyak ang matatag na supply at presyo ng basic commodities sa kabila ng pinsalang idinulot ng dalawang bagyo.

“The DA continuously coordinates with concerned NGAs, LGUs, and other DRRM-related offices for the impact of the tropical cyclones, as well as available resources for interventions and assistance,” ayon sa ahensiya. PNA