P36-B NHA BUDGET IBALIK

Rep Alfred Vargas

NANAWAGAN  si ­Quezon City Rep. Alfred Vargas na ibalik ang P36 billion na alokas­yon para sa National ­Housing Authority (NHA) sa 2019 budget.

Giit ni Vargas, ito ang dahilan kung bakit walang nailalaan na matino at maayos na pabahay para sa mga housing personnel.

Sa orihinal na budget ng NHA, P36 billion ang hiling na pondo ng ahensiya pero nasa P360 million lamang ang ibi­nigay ng Department of Budget and Management (DBM).

Dagdag pa ni Vargas, para masolusyunan ang 6.5 million na backlog sa pabahay, manga­ngailangan ang gob­yerno ng P10 trillion para maresolba ito.

Ngayong mismong si Pangulong Rodrigo ­Duterte na ang nakipag-usap at humiling kay House  Speaker Gloria Arroyo na pondohan ang pabahay sa militar at pulis, umaasa ang mambabatas na magagawang taasan o ibalik ang hi­ling na budget ng NHA para sa mga proyektong pabahay.

Giit ng kongresista, hindi lamang mga pulis at sundalo ang makikinabang kung madadagdagan ang pondo ng NHA kundi pati na rin ang ibang sektor.  CONDE BATAC