P36-MILYON GIANT CLAMS NASABAT

CEBU- TINATAYANG aabot sa P36 milyon ang ha­laga ng giant clam ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ikinasang entrapment operation sa Daanbantayan sa lalawigang ito.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu , 12 katao ang inaresto matapos makumpiskahan ng 133 na piraso ng broken giant clam shells o taklobo sa bayan ng Daanbantayan.

Una rito, nagsagawa ng entrapment operation ang tauhan ng PCG katuwang ang Coast guard Intelligence Group Central Visayas, Criminal Investigation Group at Philippine Air Force laban sa mga suspek.

Agad namang itinurn-over ang mga nakumpiskang giant clam sa Bureau of Fisheries and Aquatic resources sa Tapilon Port sa Daanbantayan. VERLIN RUIZ