P376.8 M SHABU NAKA-TEA BAG NASAMSAM NG NCRPO

NASAMSAM sa 43-anyos na CCTV installer ang umaabot sa P36.8 milyong halaga ng “tsaa-bu” o shabu na nakasilid sa mga Chinese tea bags ng mga awtoridad sa buy-bust operation na ikinasa sa Brgy. Sto. Cristo, Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Batay sa ulat, ang suspek na si Jason John Alberca ay naaresto ng pinagsanib na mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Drug Enforcement Unit, City Drug Enforcement Unit ng Lipa City sa Batangas, at ng Quezon City Police District (QCPD) Station 15 sa isang buy-bust operation sa harapan ng isang kilalang mall sa Brgy. Sto. Cristo, dakong ala-6:40 ng gabi nitong Setyembre 3.

Nauna rito, tinarget ng mga awtoridad ang suspek sa isang buy-bust operation nang makatanggap ng impormasyon na sangkot ito sa bentahan ng shabu.

Sa operasyon, nagawa umano ng mga awtoridad na makabili ng isang kilo ng shabu kapalit ng P1.5 milyong buy-bust money kaya’t agad nang inaresto ang suspek.

Nakatakas naman ang dalawa pang suspek na kinilalang sina Juneross Guillermo De Leon, 38-anyos at Micheal De Leon, 43-anyos, sakay ng puting Nissan Navarra pick-up patungo sa direksiyon ng Balintawak.

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong gold plastic ng Chinese tea bag na naglalaman ng tig-isang compressed seal transparent plastic bag na may hinihinalang shabu na tumitimbang ng may tatlong kilo at nagkakahalaga ng P36.8 milyon.

Nasamsam din ng mga awtoridad ang isang asul na Sony cellphone, dalawang eco bag at bundle ng boodle money na may 15 piraso ng genuine na P1,000 na ginamit na buy-bust money.

Lumilitaw sa mga naglabasang ulat na ang naturang mga shabu ay bahagi umano nang malakihang transaksiyon ng shabu sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.

Ang suspek ay sinasabing miyembro rin umano ng isang drug group na nakakapagbenta ng di bababa sa limang kilo ng shabu kada araw sa mga nabanggit na lugar at umano’y may koneksyon ang grupo ng suspek sa ilang nakakulong sa Bilibid.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Alberca na sumusunod lamang siya sa instruksiyon na ibigay ang dala niyang item kapalit ng pera.

Ang suspek ay nakapiit na sa Camp Bagong Diwa sa Taguig at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. EVELYN GARCIA

93 thoughts on “P376.8 M SHABU NAKA-TEA BAG NASAMSAM NG NCRPO”

  1. 573134 744103Hmm is anyone else having difficulties with the images on this weblog loading? Im trying to figure out if its a issue on my finish or if its the weblog. Any responses would be greatly appreciated. 622655

  2. 680850 560280Hi there for your private broad critique, then again particularly passionate the recent Zune, and in addition intend this specific, not to mention the beneficial feedbacks other sorts of everybody has posted, will determine if is it doesnt answer you are looking for. 233185

Comments are closed.