UMABOT sa P376 billion ang kabuuang tax incentives na ipinagkaloob sa mga investor mula 2015 hanggang 2016, ayon sa Department of Finance (DOF).
Sinabi ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III na ang income at customs duty perks na ibinigay ng investment promotion agencies (IPAs) noong 2016 ay pumalo sa P75 billion, batay sa pinakamabagong preliminary data na nakalap sa ilalim ng Tax Incentives Management and Transparency Act (Timta Law).
Noong 2015, ang nawalang kita ng national government mula sa fiscal incentives ay nagkakahalaga ng P301 billion, kung saan P104 billion ang income tax at customs duties incentives.
Isang komprehensibong pagrepaso sa tax incentives regime ng bansa ang nasa mandato ng Timta Law upang magbigay ng pangkalahatang ideya sa mga benepisyo, gayundin sa halaga ng ipinagkakaloob na fiscal perks sa mga investor.
Gayunman, ang pag-uulat sa nawalang kita mula sa mga insentibo na saklaw ng value-added tax at local business taxes ay hindi sakop ng Timta Law.
“These initial findings underscore the importance of what we seek to achieve with [tax reform] package two. We should reorient our incentives regime to put into place the key ingredients of inclusive growth—the creation of good jobs for the Filipino worker; stimulating local economies, especially in lagging regions; and promoting research and development,” wika ni Dominguez sa isang grupo ng mga ekonomista sa isang pagpupulong noong Miyerkoles.
Ayon kay Dominguez, sa ilalim ng kasalukuyang incentives system, karamihan sa mga negosyo na nasa ilalim ng small and medium enterprise (SME) category ay nagbabayad ng corporate income tax na 30 percent— ang pinakamataas sa ASEAN, habang ang ‘small, select few’ enterprises na matatagpuan sa loob ng IPAs ay nagbabayad ng preferential rate na 6-13 percent lamang at nagtatamasa ng mababang rates ‘magpakailanman’.
“With 123 laws that grant investment incentives and 192 others that provide non-investment incentives to this elite group, the system has become “fundamentally unfair,” especially for SMEs which pay the regular corporate income tax rate,” paliwanag ni Dominguez.
“Our fiscal incentives regime gives so much to a select few and asks so little from them, like promising forever to neglectful partners while the country fails to provide enough to secure the future of its own children,” dagdag pa ng finance chief.
Comments are closed.