NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang tatlong kahon na naglalaman ng mahigit P38.8 milyong halaga ng pinatuyong marijuana sa mga bagahe sa isang pasilidad sa Maynila.
Ayon sa ulat ng BOC nitong Agosto 22 araw ng Huwebes, ang mga impormasyon sa package ang nagtulak sa pagharang at pagsusuri sa tatlong kahon noong Hulyo 31 at Agosto 1.
Nakita sa initial X-ray results noong Agosto 2 na ang mga kahon ay naglalaman ng 99 heat-sealed packages ng dried marijuana na nagkakahalaga ng P38,808,000.
“The shipment was declared to contain plastic tableware, kitchenware, blankets, and shoes,” saad sa pahayag.
Ang mga parcel ay nasa pag-iingat na ng mga awtoridad at isasailalim sa testing ng Philippine Drug Enforcement Agency.
“The BOC remains committed to preventing drugs from entering our country and will continue to intensify our efforts to protect our borders and citizens,”
EVELYN GARCIA