P384-B INFRA PROJECTS MAGPAPALUWAG SA TRAPIKO SA EDSA  – SEC. VILLAR

SEC VILLAR-2

MAS maraming kalsada ang itatayo sa mga darating na taon upang bigyan ang mga motorista ng alternatibong mga ruta sa EDSA.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar, magpapatupad ang kanyang ahensiya ng malawakang decongestion program na nagkakahalaga ng P384 billion sa layuning maibalik ang normal na daloy ng trapiko sa EDSA.

“In close coordination with national government agencies, local government units, and the private sector, we are pushing for the swift completion of our flagship infrastructure projects that will provide lasting solution to gridlocks in the National Capital Region (NCR),” wika ni Secretary Villar.

Ani Villar, ang DPWH right-of-way (ROW) Task Forces for flagship projects ay ina­tasan nang paigtingin ang ROW acquisition efforts upang ma-tiyak na matatapos sa tamang panahon ang mga proyekto sa Mega Manila.

Ang major road at bridge projects na target matapos ngayong taon ay ang 2.60 km NLEX Harbor Link, R-10 Exit Ramp na magpapabilis sa biyahe sa Port Area hanggang NLEX patungong northern provinces ng Luzon sa 10 minuto mula sa 1 oras at 30 minuto; 3.2 km Mindanao Avenue Extension Segment 2C na magpapabilis sa travel time sa pagitan ng Quirino Highway at General Luis Road ng mga lungsod ng Quezon, Valenzuela at Caloocan sa 20 minuto mula sa isang oras at 30 minuto; 18.30 km Metro Manila Skyway Stage 3 na magpapabilis sa 2 hours travel  mula Buendia, Makati City hanggang Balintawak, Quezon City sa 15 – 20 minuto; at ang 6.94 km Laguna Lake Highway na magbabawas sa travel time mula  Taytay, Rizal hang-gang Bicutan sa 30 minuto mula sa 1 oras at 30 minuto.

Kabilang din sa proyekto ang 3.3 km Fort Bonifacio-Nichols Road (Lawton Avenue) Widening upang ma-accommodate ang mas maraming sasa-kyan, at ang Bonifacio Global City-Ortigas Center Link Road Project na magpapabilis sa biyahe sa 12 minuto sa pagitan ng BGC at Ortigas Central Business District.

Nakatakda ring si­mulan ng DPWH ang civil works sa 8.35 km NLEX Harbor Link Segment 8.2 na magpapabilis sa biyahe mula Mindanao Ave-nue hanggang Commonwealth Avenue sa Quezon City sa 10 minuto mula sa 45 minuto; at Pasig River & Manggahan Floodway Bridges Construction Project na may kasamang limang tulay- North & South Harbor Bridge, Palanca-Villegas Bridge, at Eastbank-Westbank Bridge 2 na tatawid sa Mangga-han Floodway.

“Based on DPWH’s projected schedule, the public may expect the opening of 8 km NLEX-SLEX Connector Road that will shorten travel time from Clark to Calamba from 3 hours to 1 hour and 40 minutes; 680 meter Binondo-Intramuros Bridge connecting Intramuros and Binondo, and 506 meter Estrella-Pantaleon Bridge connecting Estrella, Makati City to Barangka Drive, Mandaluyong in 2021; NLEX Harbor Link Segment 8.2; 2.39 km Section 1 Phase 1 of the 32 km South-east Metro Manila Expressway, C-6 in 2022; 2.02 km North & South Harbor Bridge connecting north and south harbor, 438 meter Palanca-Villegas Bridge connecting A. Villegas and Carlos Palanca Streets, and 929 meter Eastbank-Westbank Bridge 2 connecting eastbank dike road and westbank dike road at Cainta, Rizal by 2023.”

Comments are closed.