P389.5-M NAWASAK NA SCHOOLS SA MINDANAO

MINDANAO- KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd) na umaabot sa P389.50-M ang gugugulin sa pagkukumpuni ng mga nasirang eskuwelahan na dulot ng baha sa lalawigang ito.

Sa pinakahuling report ng DepEd cluster noong Enero 3, ang 41 na eskuwelahan naapektuhan ng baha ay matatagpuan sa Region IX, Region X at Caraga Region.

Sa ngayon ay may walong eskuwelahan pa na ginagamit bilang evacuation centers sa Caraga at Region X.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty Michael Poa, wala namang naganap na anumang insidente sa pagbalik ng klase nitong Miyerkules.

Nabatid pa kay Poa na may mga local government unit sa ilang lugar sa Regions V, VI, VIII at MIMAROPA ang nagsuspinde ng klase dahil sa masamang panahon. ELMA MORALES