NAGPALABAS ang Pag-IBIG Fund ng P39.87 billion cash loans sa huling siyam na buwan na bumura sa record nito sa highest cash loan disbursement sa anumang January-September period. Ang halagang ipinalabas ay pinakinabangan ng may 1,900,019 Pag-IBIG Fund members.
“Following the directive of President Rodrigo Roa Duterte to provide Filipinos with affordable loans, we’re exerting all efforts to assist Pag-IBIG members with their immediate financial needs though our Multi-Purpose Loan or MPL. On behalf of the entire Pag-IBIG Fund Board of Trustees, I’m happy to report that the amount released, and the number of members helped by our MPL program in the last nine months are both the highest for any January to September period in the history of Pag-IBIG Fund,” pahayag ni Secretary Eduardo D. del Rosario, chairperson ng Housing and Urban De-velopment Coordinating Council (HUDCC) at ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Ang MPL program ng Pag-IBIG Fund ay nagsisilbing abot-kaya at readily-accessible source ng pondo. Ang mga qualified member ay maaaring umutang ng hanggang 80 percent ng kanilang kabuuang Pag-IBIG Regular Savings, na kinabibilangan ng kanilang monthly contributions, employer’s contributions, at naipong dibidendo. Ang mauutang ay maaaring gamitin sa pagbabayad ng tuition, medical expenses, minor home improvement, family trip, o bilang capital para sa maliliit na negosyo. Ang loan ay maaaring bayaran sa loob ng 24 buwan kung saan ang first payment ay ipinagpaliban sa loob ng dalawang buwan. Ang MPL ay may interest rate na 10.5 percent per annum. Hanggang 90 percent ng kita ng ahensiya mula sa programa ay ibinabalik sa mga miyembro nito sa pamamagitan ng dibidendo.
Binanggit ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti ang upward trend sa loan program, at sinabing ang halaga ng MPL na ipinalabas sa January-September period ay tumaas ng 9 percent o P3.39 billion habang ang bilang ng borrowers ay umangat ng 10 percent o 165,397 borrowers, kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay Moti, ang record-high numbers na ito ay dahil sa reliability ng loan program at sa mabilis na pagpoproseso noong 2019.
“We still have one quarter left in the year but we’re seeing double-digit growth in the MPL as early as now. With the increased demand, we’re work-ing doubly hard to process our members’ loan applications promptly. This year, with our upgraded system fully in place, members are now able to re-ceive their loan proceeds at an average of 1.8 working days. This faster processing time allowed us to serve more members this year,” aniya.
Sa kabuuan, ang Pag-IBIG Fund ay nakapagpalabas ng P40.89 billion sa short term loans sa may 1,960,102 miyembro sa nakalipas na siyam na buwan. Kinabibilangan ito ng halagang ipinalabas sa pamamagitan ng MPL Program nito at ng P1.02 billion sa Calamity Loans upang tulungan ang 60,083 members.
Comments are closed.