AGAD na naglabas ng P390 milyong tulong pinansyal sa mahihirap na mamamayan na apektado ng malalakas na ulan dulot ng bagyong “Enteng” si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Nag-iwan ng matinding pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila at CALABARZON (lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) abg bagyo.
Umpisa nitong Martes (Setyembre 3), gamit ang kanilang disaster relief funds ay namahagi si Romualdez at ang Tingog Party-list ng 35,000 food packs—bawat isa ay naglalaman ng canned goods, noodles, at bigas —sa mga evacuation centers sa Metro Manila at lalawigan ng Rizal.
Ayon sa lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na binubuo ng mahigit 300 na kinatawan, ang 39 congressional districts na tinamaan ng bagyong “Enteng” ay makakatanggap ng P10 milyon bawat isa.
Ang P390 million tulong pinansyal sa mga biktima ng grabeng baha ay popondohan sa ilalim ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
JUNEX DORONIO