Inihahanda na ng lokal na pamahalaan ang distribusyon ng ayudang pampinansyal para sa 35,000 estudyante ng pampublikong paaralan kabilang ang 5,000 Travel City Scholars na galing sa iba’t-ibang pampribadong eskwelahan na natigil ang pamamahagi ng ayuda matapos ideklara ang lockdown sa Land Bank Taft Branch noong Hulyo 30.
Ayon sa lokal na Department of Education (DepEd), natapos na nila ang requirements at pagpoproseso sa pagrelis ng financial assistance ng mga estudyante na nagkakahalaga ng P3,000 para sa mga buwan ng Enero hanggang Marso sa school year 2019-2020.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, panandaliang naantala ang pamamahagi ng P3,000 financial assistance dahil sa deklarasyon ng lockdown sa Land Bank Taft Branch kung saan doon nakalagay ang account ng lokal na pamahalaan.
Comments are closed.